Last Quarter ng 2024
MANILA, Philippines — Iniulat ni Quezon City Police District (QCPD) Director PCol. Melecio M Buslig, Jr., ang pagbaba ng 22.08% sa 8 focus crimes sa first half ng last quarter taong 2024.
Nabatid na mula Oktubre 1 hanggang Nobyembre 15, naitala ng QCPD ang 187 insidente sa 8 focus crimes na kinabibilangan ng Murder, Homicide, Physical Injury, Rape, Robbery, Theft, Car Theft, at Motorcycle Theft.
Ayon kay Buslig, kumpara ito sa insidenteng naitala noong Agosto 15 hanggang Setyembre 30 na umaabot sa 240.
Lumilitaw na sa 8 focus crime, ang kasong theft ang nakapagtala ng pinakamalaking pagbaba ng insidente mula 107 at naging 83 o 22.43%.
Kapansin pansin din ang malaking pagbaba ng 8 focus crime ng Kamuning Police Station (PS 10) sa pamumuno ni PLtCol. Leonie Ann Dela Cruz na 54.55% o 15 insidete mula sa 33 crime incidents.
Ang pagbaba ng crime incidents ayon kay Buslig ay bunsod ng pinaigting na kampanya laban sa iba’t ibang uri ng kriminalidad.