MANILA, Philippines — Hindi pa nakakabangon ang karamihan sa epekto ng mga kalamidad sa bansa ay mayroon na namang bagong pasanin ang mga motorista.
Dahil simula ngayong Martes, ipatutupad ng mga kompanya ng langis ang Bigtime oil price hike.
Sa abiso ng Seaoil, PetroGazz, Shell Pilipinas at Caltex, magtataas sila ng P2.10 sa kada litro ng diesel, P1.50 per liter ang taas sa presyo ng gasolina at P1.20 ang taas sa kada litro ng kerosene.
Sinasabing ang apat na araw na galaw ng presyuhan ng petrolyo sa merkado ang ugat ng pinaka mataas na oil price adjustment.