2 gun runner kalaboso sa marijuana

Kinilala ni Parañaque City Police Station commander, PColonel Melvin Mon­tante ang mga suspek na sina alyas Mark,  31, ng Barangay Victoria Reyes, Dasma­riñas Ca­vite at alyas Jefferson 39, ng Armenia st., Bitungol, Norzagaray Bulacan.
Michael Varcas / File

MANILA, Philippines — Nasakote ng mga tauhan ng Parañaque City Police ang dalawang armadong lalaki na may dalang isang kilong marijuana habang tumatakas mula sa inagawan ng motorsiklo sa nasabing lungsod, Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ni Parañaque City Police Station commander, PColonel Melvin Mon­tante ang mga suspek na sina alyas Mark,  31, ng Barangay Victoria Reyes, Dasma­riñas Ca­vite at alyas Jefferson 39, ng Armenia st., Bitungol, Norzagaray Bulacan.

Sa reklamo ng mga biktimang sina alyas Danica, 33 at alyas Cris, 42, kapwa ng Malate, Maynila, pauwi na sila matapos kumain sa isang cafeteria at habang sakay ng motorsiklo alas- 4:40 ng umaga ng Nobyembre 7 ay hinarang sila ng rding-in tandem sa Seaside Drive, Brgy. Tambo, Parañaque City.

Tinutukan sila ng baril at nagdeklara ng holdap sabay agaw ng motorsiklo.

Nagkataong may dumaan na mobile patrol car kaya agad nasaklolohan.

Habang sakay sila ng mobile patrol na binabaybay ang direksyon ng mga suspek ay namataan ang motorsiklo, na nakitang minamaneho ng isa sa  dalawang suspek.

Nagkataon lamang umano na mahulihan ng bloke ng marijuana na may timbang na 1 kilo na nagkakahalaga ng P120,000,00  at kinumpiska ang isang 9mm na pistol ana may 16 bala at isang kalibre 38 na may 6 na bala at isang hand grenade.

Nahaharap ang mga suspek sa reklamong Robbery Hold-up, Republic Act 10883 (Carnapping) , Section  11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), RA 10591 ( Illegal Possession of Firearms and Ammunition), and RA 9516 (Unlawful Manufacture, Sales, Acquisition, Disposition, Importation or Possession of an Explosive or Incendiary Device).

Show comments