MANILA, Philippines — Naaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation-Human Traficking Division (NBI-HTD) ang nanay ng dalawang anak na menor-de-edad na inilalako niya para sa sex live show sa social media.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, ang nanay ay nahuli sa ikinasang entrapment operation ng mga tauhan sa bisa ng Warrant to Search and Examine Computer Data (WSSECD) sa Taguig City. Siya ay kinasuhan na dahil sa paglabag sa batas hinggil online child sexual exploitation and abuse.
Ang operasyon ay ginawa batay sa nakalap na impormasyon ng NBI-HTRAD na isang umanoy facilitator sa Pilipinas ay nagpapadala ng sexually exploitative images at videos ng minors sa United States (US).
Dulot nito, nagsagawa agad ng serye ng surveillance operation ang NBI-HTRAD na nagresulta ng pagkakatuklas sa kinaroroonan ng suspek at mga biktima.
Nalaman ng NBI na ang suspek ay patuloy na nag-aalok ng shows ng kanyang dalawang anak na minor na babae kapalit ng pera.
Ayon sa undercover agent, ang live show ay ginagawa ala-una ng hapon.
Nang makakakuha ng warrant sa korte, agad na tinungo ng mga NBI agents ang tintuluyan ng mag-iina na nagresulta ng pagkakahuli sa nanay na aktual na iniaalok umano ang mga anak para magsagawa ng sexually explicit shows. Dito rin na-rescue ng NBI ang apat na minor victims kabilang ang dalawang anak ng suspek.
Nakumpiska sa pagsalakay ang mga computer devices, iba’t ibang sex toys na ginagamit sa sex live shows at money remittances.