MANILA, Philippines — Maaari na ngayong gamitin sa 171 branches ng Mercury Drug Store nationwide ang DSWD-issued guarantee letters simula sa Nobyembre 4, 2024.
“We are happy to announce to all our kababayans that starting Monday next week, November 4, DSWD-issued guarantee letters are now accepted in 171 selected Mercury Drug Stores around the country. This partnership is a testament of the efforts of the DSWD to prioritize the welfare of individuals in crisis situations by ensuring a more efficient way to address their medical needs,” ayon kay DSWD Undersecretary for Operations Monina Josefina Romualdez.
Ang Guarantee Letter (GL) ay isang dokumento na ibinibigay ng DSWD sa mga benepisyaryo upang garantiyahan ang bayad sa mga service providers kabilang na ang pambili ng gamot.
Kabilang sa mga sangay ng Mercury Drug Store na tumatanggap ng DSWD-issued GLs galing sa DSWD Central Office ay ang Fairview-Commonwealth; Ever Gotesco Commonwealth; Tandang Sora-Visayas Ave.; at Marikina-J.P. Rizal.
Ang DSWD-issued GLs mula naman sa DSWD Field Office-National Capital Region (NCR) ay maaaring gamitin sa Quiapo-Plaza Miranda branch.
Samantala, ang mga kliyente mula sa ibang lugar o rehiyon ay maaaring makipag-ugnayan sa DSWD Field Office sa kanilang lugar para sa kumpletong listahan ng mga Mercury Drug Stores o pharmacies na tumatanggap ng DSWD-issued GLs.
Maaari ring tingnan ng mga DSWD clients ang mga pharmacy signage na “DSWD Guarantee Letter is accepted here” para sa mas mabilis na serbisyo.