Late renewal ng rehistro ng sasakyan at lisensya ngayong Oktubre, walang multa - LTO

Land Transportation Office (LTO) office in Manila.

MANILA, Philippines — Walang ipapataw na multa ang Land Transportation Office (LTO) sa mga may-ari ng sasakyan na may ending O  at mga magre-renew ng lisensiya para sa October 2024 sa buong bansa.

 Ito ay batay sa inaprubahang memorandum ni Transportation Secretary Jaime Bautista na nairekomenda naman ni LTO Chief Vigor Mendoza na huwag pagbayarin ng penalty ang mga late renewals ng rehistro ng sasakyan at renewal ng driver’s license para sa buwan ng Oktubre dahil sa ilang araw na walang pasok sa gobyerno dulot nang bagyong Kristine.

Sakop ng memorandum ang mga sasakyan na ma-eexpire ang renewal ng rehistro ngayong October 2024  gayundin ang  driver’s license renewals na ma-eexpire mula October 21 hanggang October  31, 2024.

Nabatid na walang penalties sa naturang renewals hanggang November 8, 2024 lamang.

“The imposition of penalty for new re­gistration, the coun­ting of days from date of Sales Invoice shall only commence on the next working day after November 8, 2024 for those motor vehicles/motorcycles purchased from October 21-31, 2024,”sabi ni Mendoza para naman sa rehistro ng mga bagong sasakyan.

 

Show comments