P2 milyong reward alok vs killer ng Chinese

MANILA, Philippines — Nag-alok ng P2-mil­yong pabuya ang Southern Police District (SPD) sa sinumang magkapagbibigay ng impormasyon para maaresto ang isang Chinese national na suspek sa pagpatay ng kaniyang kababayan sa Makati City, noong Oktubre 17, 2024.

Pinaghahahanp na ang suspek na si Wang Danyu alyas “Wang Dan Yu” at “Bao Lung” na bumaril at nakapatay sa kapwa Chinese na si Liu Jiabin, 29-anyos.

Ayon sa Makati City Police at sa naging viral na kuha ng CCTV, si Wang, kasama ang isa pang lalaking Chinese ang res­ponsable sa pagkamatay ng biktima na tumakas matapos ang insidente.

Babala naman ang awtoridad sa publiko na mag-ingat sa suspek na nabanggit dahil armado ito at mapanganib. Sa mga may nalalaman, maaari umanong tumawag sa 09297936525 at magiging “confidential” ang lahat ng ibibigay na impormasyon.

Show comments