Drug den sa Malacañang complex ni-raid: 1 timbog

Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang suspek na si Edgar Ventura alyas “Face” na naaresto sa ikinasang operasyon ng NBI sa San Miguel, Maynila. Siya mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

MANILA, Philippines — Arestado ng National Bureau of Investigation-Dangerous Drugs Division (NBI-DDD) ang isang lalaki na umano’y sangkot sa walang takot na pagbebenta ng shabu at pagmamantine ng drug den sa loob mismo ng Malacañang complex sa Maynila.

Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang suspek na si Edgar Ventura alyas “Face” na naaresto sa ikinasang operasyon ng NBI sa San Miguel, Maynila. Siya mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang pagkakahuli sa suspek ay batay sa impormasyon na nakalap ng NBI hinggil sa illegal transaction sa naturang lugar kung saan malapit pa ito sa Palasyo ng Malacañang.

Sa tulong ng Presi-dential Security Group (PSG) at sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Manila Police District (MPD) ay naisagawa ang pag­huli kay Ventura sa bisa ng warrant of arrest na naipalabas ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 37.

Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang 9 plastic sachet ng hinihinalang illegal drugs, at mga drug paraphernalia na nai turn over ng NBI-Forensic Chemistry Division para masuri.

Samantala, patuloy na pinaghahanap ang kasamahan ng suspek na si Francisco Soria­no Jr. alyas “Juntot” at iba pang indibiduwal na napatunayang positibo gumamit ng shabu sa lugar. Sila ay takda ring sampahan ng kaparehong kaso.

Show comments