Matapos ang 4 taon
MANILA, Philippines — Matapos ang apat na taon, madadalaw na muli ng mga taga-Malabon ang labi ng kanilang mga mahal sa buhay sa muling pagbubukas ng Tugatog Public Cemetery.
Pinangunahan kahapon ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang pagbubukas ng nasabing sementeryo na sumailalim sa redevelopment kung saan may columbariun, ossuary at Wall of Remembrace.
Ayon kay Sandoval, libre ang pagpapacremate gayundin ang urn na paglalagyan ng abo titiyakin lamang na kumpleto ang dokumento at requirements.
Nabatid na nasa 17,000 ang mga labi na inalis sa isinagawang redevelopment noong 2021 at ngayon ay inilagay sa Wall of Remembrance.
Binigyan diin ni Sandoval na bahagi na rin ito ng kanilang paghahanda sa Undas. Aniya, tiniyak niyang magiging maayos, tahimik at komportable ang mga sa labi ng kanilang mga kaanak ngayon Undas.
“Hindi po namin pababayaan ang inyong mga mahal sa buhay na yumao at inilibing dito sa Tugatog Public Cemetery bago pa man simulan ang pagsasaayos nito noong 2021. Itong libreng cremation na ating inilapit sa kanilang mga pamilya ay isa sa mga paunang serbisyong ating maibibigay para masiguro na nasa maayos na kalagayan ang mga labi at magkaroon ng kapayapaan sa kanilang mga puso”, ani Sandoval.
Paliwanag naman ni City Administration Dr. Ex Rosete, tututukan at tatapusin ng Malabon LGU ang redevelopment sa lalong madaling panahon kung saan isang two storey building na may 600 apartment tombs ang itinatayo para sa mas malaking lugar ng mga paglilibingan.