2 Cameroonian timbog sa ‘black money scam’

Ayon kay CIDG chief Brig. Gen. Nicolas Torre III, sa pakikipagtulungan nila sa Bangko Sentral ng Pilipinas huli sina Abass Njintana, kilala rin bilang Mossico White at Ndoukouo Mama, kap­wa Cameroonian.
STAR/File

MANILA, Philippines — Arestado sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group-Anti-Organized Crime Unit (CIDG-AOCU) ang dalawang Cameroonian na umano’y sangkot sa isang “black money scam.”

Ayon kay CIDG chief Brig. Gen. Nicolas Torre III, sa pakikipagtulungan nila sa Bangko Sentral ng Pilipinas huli sina Abass Njintana, kilala rin bilang Mossico White at Ndoukouo Mama, kap­wa Cameroonian.

Batay sa report­ na tinanggap ni ­Torre, naaresto ang dalawang suspek sa isang entrapment sa Barangay San Lorenzo, Makati City dakong alas-6:40 ng gabi ng Lunes.

Bago ito, nabatid na nahikayat umano ang mga ito na magbayad ng pera para sa mga kemikal na kailangan umano para ma-convert ang mga pekeng pera para maging tunay.

Sa operasyon, nakumpiska ng mga awto­ridad ang mga identification card, limang cellular phone, isang notebook, piso ng Pilipinas at Euro bills, isang maliit na gray box na may cotton, mga bote na naglalaman ng hindi kilalang kemikal, dalawang syringe, at mga dusted money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong estafa, forging of treasury notes, paggamit ng mga fictitious names at pagtatago ng tunay na pagkakakilanlan sa ilalim ng Revised Penal Code, gayundin sa paglabag sa PD 247 (Prohibiting and Penalizing Defacement, Mutilation, Tea­ring, Burning or Destruction of Central Bank Mga Tala at Barya).

Show comments