MANILA, Philippines — Dahil sa pagkaputol ng kuryente sa gusali ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), muling naantala ang nakatakdang bidding para sa pagbili ng may P2.1 bilyong halaga ng iba’t ibang sasakyang pandagat, kahapon.
Unang kinuwestiyon ng abogadong si Faye Singson ang BFAR special bids and awards committee (SBAC) dahil sa hindi pagtupad sa standard bidding procedures, na nagtitiyak sa patas na proseso at sa tamang kapaligiran para sa public bidding.
Sinabi ni Singson na wala si SBAC chairperson Zaldy P. Perez; si Vice Chairperson, Ida T. Capacio, miyembro, gayundin ang iba pang miyembro ng technical working group (TWG), kaya ipinagpaliban ang bidding dahil sa kakulangan ng quorum.
Sa kabila ng katotohanang naisumite na ang mga kinakailangan sa bidding noong Biyernes, Oktubre 11, 2024, at nanatili sa kustodiya ng BFAR sa loob ng apat na araw ng kalendaryo, muling iniskedyul ang pagbubukas ng mga bid ngayong Oktubre 16, 2024, dahil sa napaulat na pagkaputol ng kuryente sa BFAR building, paliwanag ni Singson.
“Ito ay naglalabas ng mga alalahanin tungkol sa potensyal para sa mga iregularidad o manipulasyon ng proseso ng bidding, lalo na kung isasaalang-alang na ang pagkaputol ng kuryente ay tila nakaapekto lamang sa gusali ng BFAR,” diin nito.
Sinabi ni Singson, isang dating assistant prosecutor ng Office of the Ombudsman, na bagat hindi mahuhulaan kung kalian mawawalan ng kuryente, kaduda-duda naman ang timing nito, kung saan unang sinilipa ang kawalan ng “transparency” para sa public procurement process.
Sinabi niya na napakahalagang tiyakin na mayroong sapat na backup system at naghayag ng unang babala upang maiwasan ang mga ganitong pagkagambala dulot ng isyu sa kuryente at kawalan ng quorum sanhi upang maipagpaliban muli ang bidding.