MANILA, Philippines — Inihain sa Kamara ang panukala na gawing heinous crime ang extrajudicial killings (EJKs) na may parusang reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong at walang parole.
“This bill seeks to explicitly criminalize extrajudicial killings, ensuring that any individual, regardless of rank or position, who is found guilty of participating in, authorizing, or condoning such acts will face appropriate criminal penalties,” saad sa panukala.
Maaring mananagot dito ang isang public officer, person in authority, agent of a person in authority, o sinumang tao na may kapangyarihan sa pamahalaan.
Isinulong ang House Bill 10986 o Anti-Extrajudicial Killing Act sa gitna ng isinasagawang imbestigasyon ng Quad Committee sa war on drugs sa nakaraang administrasyon.
Nasa 6,200 drug individuals umano ang napatay sa mga operasyon ng pulisya pero ayon sa ilang human rights organization ay maaaring aabot pa ito sa 30,000 dahil sa unreported related killings.