MANILA, Philippines — Sinalubong sa unang araw ng Oktubre ng taas presyo ng petrolyo ang mga motorista.
Batay sa abiso ng mga kompanya ng langis na Pilipinas Shell, Caltext at Seaoil, alas- 6 ng umaga ngayong martes, October 1 ay magpapatupad sila ng 45 centavos na taas presyo ng panindang gasolina kada litro, 30 centavos sa kada litro ng kerosene at 90 centavos kada litro ang taas presyo sa diesel.
Ang Petro Gazz naman ay alas-6 din ng umaga ngayong martes ang taas presyo ng gasolina na 45 centavos per liter at 90- centavos per liter ang taas presyo ng diesel.
Inanunsyo naman ng kompanyang Cleanfuel na mula alas-4 ng hapon ngayong October 1 martes ay itataas din nila sa 45 centavos ang kada litro ng gasolina at 90 centavos din kada litro ang taas sa presyo ng diesel.
Sinasabing ang dahilan ng oil price hike sa merkado ay dulot nang tumataas na tension ng kaguluhan sa pagitan ng Israel at Lebanon, pagpapalabas ng China ng stimulus package para maiangat ang ekonomiya at pagbagsak ng fuel inventory ng US.