MANILA, Philippines — Tataas na naman ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa anunsyo ng mga kompanya ng langis, tataas ng mula 30 centavos hanggang 60 centavos ang presyo ng gasolina kada litro.
Nasa 65 centavos hanggang 90 centavos kada litro naman ang itataas ng presyo ng diesel habang mula 40-50 centavos kada litro ang itataas sa kerosene.
Sinasabing ang galaw ng presyuhan ng mga produktong petrolyo sa nagdaang apat na araw ang ugat ng oil price adjustment.
Tuwing Martes ipinatutupad ang pagbabago sa presyuhan sa petrolyo.