38 pamilyang nasunugan sa Maynila, inayudahan

MANILA, Philippines — Nasa 38 pamilya ang pinagkalooban ng Manila social welfare department ng mga pangunahing pangangailangan at financial aid sa Sampaloc, Maynila nitong Setyembre 23, 2024.

Sa pagresponde nina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo, hindi man sapat, makakatulong na rin ang ibinigay nilang financial aid sa mga naapektuhan at nawalan ng tirahan.

Nabigyan ang mga pamilyang nasunugan ng pagkain, inuming tubig at iba pang pangangailangan mula sa tanggapan ni Lacuna, ayon kay MSWD Re Fugoso.

Nabatid na nagsimula ang apoy alas-2:42 ng hapon sa No. 450 Amelia St., Barangay 439, Zone 44 , sa Sampaloc, Manila, na idineklarang fire-out alas-5:51 ng hapon.

Show comments