Lolo timbog sa buy-bust

File photo of a man in handcuffs
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Isang lolo ang inaresto ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Pasig City kahapon ng madaling araw.

Ang suspek ay kinilala lang na si alyas ‘Ador,’ 63, residente ng Brgy. Rosario, Pasig City.

Batay sa ulat ng Pasig City Police, dakong alas-3:50 ng madaling araw nang maaresto ang suspek sa isang buy-bust operation sa Dr. Sixto Antonio Avenue, sa Brgy. Rosario.

Nakatanggap umano ang mga awtoridad ng tip hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek kaya’t tinarget at inaresto ito sa buy-bust.

Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu at buy-bust money.

Ang suspek ay nakapiit na at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments