MANILA, Philippines — Pansamantalang nagpatupad ng tigil-operasyon ang Light Rail Transit Line 2 (LRT- 2) kahapon matapos na dumanas ng problemang teknikal ang isa sa mga tren nito.
Sa abiso ng Light Rail Transit Authority (LRTA), na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-2, nabatid na dakong alas-8:05 ng umaga nang maganap ang aberya sa area ng J. Ruiz Station.
Pagsapit naman ng alas-8:26 ng umaga ay muling nagpaabiso ang LRTA na magpapatupad sila ng provisionary service sa kanilang linya.
Ang limitadong operasyon ay ipinatupad ng LRT-2 mula Antipolo hanggang Araneta station lamang at pabalik lamang.
Ganap na alas-9:42 ng umaga na nang maayos ang problema at maibalik sa normal ang operasyon ng LRT-2.
“Balik-normal na ang operasyon ng LRT Line 2 ngayong 9:42AM,” anang LRTA. “May biyahe na mula Recto station hanggang Antipolo Stationat pabalik.Maraming salamat po sa inyong pang-unawa!”