52-anyos na PWD ginahasa ng kapitbahay sa Valenzuela

MANILA, Philippines — Isang 52- anyos na Person With Disability (PWD) ang ginahasa ng isang 24- anyos nitong kapitbahay matapos na pasukin ang tahanan ng una sa lungsod ng Valenzuela kahapon ng madaling araw.

Arestado ang suspect na si alyas Wen, na nahuli sa akto ng mga nagrespondeng Brgy. Tanod na agad humingi ng tulong sa pulisya.

Sa report ni P/Lt. Learni Albis, hepe ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, dakong alas-2  ng madaling araw nang maganap ang insi­dente sa loob ng tahanan ng biktima sa Brgy. Bignay ng nasabing lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon ng WCPD, isang kapitbahay ng biktima ang nakakita sa suspect na si alyas “Wen”, na pumasok umano sa bahay ng ginang kaya agad itong i-nireport ng testigo sa mga opisyal ng barangay.

Nang puntahan ng mga tanod, naabutan nila ang suspect na walang saplot at nakakubabaw umano sa biktima kaya agad silang humingi ng tulong sa mga tauhan ng Bignay Police Su-Station (SS7) na nagresulta sa pagkakaaresto dito.

Hindi na nakalapag ang suspect matapos itong agad na posasan at arestuhin ng mga operatiba saka dinala sa presinto upang imbestigahan.

Pansamantalang nakapiit na sa custodial faci­lity ng Valenzuela City Police Station ang nasabing suspect na nahaharap sa kasong rape.  

Show comments