MANILA, Philippines — Nagliyab kahapon ang isang barkong nakadaong sa Navotas Centennial Park kung saan isa ang iniulat na nawawala sa kasagsagan ng hagupit ng bagyong Enteng sa Luzon.
Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region nagsimula ang sunog dakong alas-9 ng umaga .
Dahil sa malakas na hangin at pag ulan nakita na halos magbanggaan na ang mga barko na nakadaong sa lugar. Isa na rito ang nasunog
Mabilis namang tinungo ng BFP at Philippine Coast Guard ang barko subalit hindi agad maapula dahil sa malakas na hangin at malalaking alon.
Ayon naman kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco, nagsasagawa na paghahanap ang BFP at PCG sa isang crew ng barko na nawawala.
Inaalam pa rin ang pangalan ng barko at may ari nito