‘Quota, reward’ system sa Duterte drug war iimbestigahan ng PNP

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan na ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil  ang ulat ng umano’y “quota” at  “reward” system noong panahon ni dating Pangulong  Rodrigo Duterte  alinsunod sa ibinunyag ni PLt. Colonel Jovie Espenido.

Ayon kay Marbil, seryoso  at dapat na tutukan ang alegasyon ni Espenido na pinaiiral ang  “quota” at “reward” system sa ilalim ng “Oplan Double Barrel” ng dating administrasyon ni Duterte.

Sinabi ni Marbil na integridad ng PNP ang nakasalalay sa sinabi ni Espenido na kailangang bigyan ng linaw.

Paliwanag ni Marbil, layon ng imbestigasyon na mapabuti  pa ang sistema ng PNP operations  laban sa mga  illegal drugs at illegal activities.

Ang review panel ay pangungunahan ng Office of the Deputy Chief PNP for Operations (ODCO), PNP Quad Staff, the Internal Affairs Service (IAS) at  Human Rights Office  upang isagawa ang malalimang imbestigasyon.

Tiniyak din ng PNP chief na legal ang kanilang mga ikinakasang anti-drug operations nang walang nalalabag na anumang karapatang pantao.

Show comments