Most wanted nagtago ng 9-taon, timbog

Sa ulat ni P/Major Kevin Rey Bautista, officer-in-charge ng DPIOU-MPD, ang dinakip ay si alyas “ John Carlo”, bagger sa isang supermarket, ay nadakip alas-3:10 ng hapon ng Agosto 30, 2024 , sa Phase 3, ACCO Homes, Brgy 14, Dagat-Dagatan, Caloocan City.
Philstar.com / Jovannie Lambayan / File

MANILA, Philippines — Natimbog ang isang 28-anyos na lalaking sangkot sa kasong rape na nagtago sa loob ng siyam na taon makaraang matunton  ng mga tauhan ng  Manila Police District - District Police Intelligence Operation Unit (MPD-DPIOU) sa Dagat-Dagatan, Caloocan City, Biyernes ng hapon.

Sa ulat ni P/Major Kevin Rey Bautista, officer-in-charge ng DPIOU-MPD, ang dinakip ay si alyas “ John Carlo”, bagger sa isang supermarket, ay nadakip alas-3:10 ng hapon ng Agosto 30, 2024 , sa Phase 3, ACCO Homes, Brgy 14, Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Si John Carlo ay kabilang sa Most Wanted Person, District Level.

Nabatid na Hulyo 30, 2015 pa nang magpalabas ng warrant of arrest sa kasong rape si Presi­ding Judge Maria Paz Reyes-Yson.ng RTC Branch 54 laban sa suspect.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa akusado.

Show comments