Mayor Joy binigyang parangal ng QCJI media

MANILA, Philippines — Tumanggap nang parangal si Quezon City Mayor Joy Belmonte bilang ‘Natatanging Punong Lungsod’ sa Kalakhang Maynila mula sa isinagawang Quezon City Journalists Group Inc. (QCJI) Media Awards sa QCX Quezon City Memorial Cirlce sa lungsod.

Bukod dito, tumanggap pa ng plaque of recognition si Mayor Belmonte, gayundin sina Vice Mayor Gian Sotto, at Majority Floor Leader Councilor Doray Delarmente sa nabanggit na okasyon.

Dito, kinilala rin ng QCJI ang City Councilors na nagpamalas ng sipag at tapat na pamumuno sa kani-kanilang mga distrito sa lungsod.

Tumanggap nang ‘Natatanging Konsehal Awards’ sina Councilors TJ Calalay ng District 1, Fernando Miguel “Mikey” Belmonte sa District 2, Wency Lagumbay ng District 3, Irene Belmonte ng District 4, Alfred Vargas ng District 5 at Banjo Pilar ng District 6.

Binigyang-pugay din sa QCJI media awards ang mga Natatanging Bagong Konsehal ng QC na sina Councilors Charm Ferrer, Dave Valmocina, Egay Yap, Aiko Melendez, at Vito Sotto samantalang tumanggap ng Seasoned Councilor award sina Councilors Goldie Liban at Eric Medina.

Ang QCJI ay samahan ng mga reporter sa QChall na pinamumunuan ng kanilang Presidente na si PSN Senior Reporter Angie dela Cruz.

Show comments