No.1 most wanted’ sa 2 counts ng rape, arestado

Isinilbi ng mga tauhan ng Pasig CPS ang dalawang warrant of arrest laban kay alyas “Joseph”, may live-in partner, residente ng Barangay Pinagbuhatan, Pasig, na walang inirekomendang piyansa si Judge Florian Gregory Abalajon ng Pasig Regional Trial Court (RTC), Branch 261.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Nadakip makalipas ang halos 8 taong pagtatago ang isang 24-anyos na top 1 most wanted ng Pasig City Police Station kaugnay sa dalawang kaso ng rape, sa isinagawang manhunt operation nitong Agosto 16, sa Mandaluyong City.

Isinilbi ng mga tauhan ng Pasig CPS ang dalawang warrant of arrest laban kay alyas “Joseph”, may live-in partner, residente ng Barangay Pinagbuhatan, Pasig, na walang inirekomendang piyansa si Judge Florian Gregory Abalajon ng Pasig Regional Trial Court (RTC), Branch 261.

Ayon sa ulat ni P/Colonel Celerino Sacro, hepe ng Pasig CPS, alas-4:40 ng madaling araw nang matiyempuhan sa matagal na pagmamanman ang target na si Joseph, sa Sgt. Bumatay Street, Mandaluyong City ng magkasanib na pwersa ng Warrant and Subpoena Section, Station Intelligence Section, Women and Children Protection Desk at Regional Investigation Unit ng National Capital Region,

Nakapiit sa Pasig CPS custodial facility ang akusado habang hinihintay pa ang commitment order na ilalabas ng korte.

Show comments