48 grupo at organisasyon target ng Quezon City LGU na parangalan sa ‘Quezon City Green Awards’

MANILA, Philippines — Target ngayong taon ng Quezon City government na gawing 48 ang grupo at organi­sasyon ang parangalan na may bahagi na maprotektahan ang kapaligiran sa ilalim ng ‘QC Green Awards’ ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte na sa pagdami ng mga awardees ay umaasa siyang mahihimok ang mas mara­ming residente at stakeholders na sumali sa patimpalak .

Noong nakaraang taon ay nasa 13 lamang ang awardees ng ‘QC Green Awards’.

“Magsama-sama tayo tungo sa isang sustainable, ligtas, at luntiang bukas para sa lahat”, pahayag ni Mayor Belmonte.

Binuksan ng QC LGU ang ‘QC Green Awards’ ngayong taon upang kilalanin ang mga QCitizens’ na may outstanding climate action at disaster risk reduction and management programs na may malaking tulong upang higit na mapangalagaan ang kapaligiran sa lungsod.

Ngayong taon, ang ‘QC Green Awards’ ay bukas para sa mga public at private schools gayundin sa mga health institutions na noong nagdaang taon ay mga barangays, Sangguniang Kabataan, youth-based organizations, at businesses ang kasali sa naturang award.

Show comments