MANILA, Philippines — Naaresto nang pinagsanib na operatiba ng NBI-Cybercrime Division (NBI-CCD) at NBI-Technical Intelligence Division (NBI-TID) ang anim na Chinese nationals sa Angeles City, Pampanga dahil sa cyber-related scams.
Ang mga naarestong suspect suspek ay nakilalang sina Xiaojun Wang, Xue Feng Zhang, Ke Xin Ge, Die Liu, Yu Jie Wang at Hong Hong Zhu.
Ang nahuling mga suspek ay prinisinta na para sa inquest proceedings sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng paglabag sa naturang mga batas.
Patuloy umano ang pagkilos ng NBI upang mapilay ang cybercriminals sa bansa lalo na yaong mga kinasasangkutan ng mga dayuhang nasyunal.
Una rito, sa pag-ugnayan ng NBI sa Clark Development Corporation ay nadiskubre sa opisina ni Feng ang iba’t ibang desktop computers, cellular phones, sim cards, mga scripts at customer ledgers.
Nang masuri ang desktops’ interface ay tumambad dito ang romance scam scripts, messaging applications na may fictitious accounts, bank accounts, at fraudulent cryptocurrency investment platforms na nagpapakitang ang gumagamit nito ay sangkot sa illegal na gawain.
SInasabing ang mga scripts at tools ay gamit sa scamming activities tulad ng catfishing scams, credit card scams, cryptocurrency scams, fake investment scams at iba pa.