^

Metro

P2 milyong gantimpala kay Yulo; P500K kay Obiena

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P2 milyong gantimpala kay Yulo; P500K kay Obiena
Philippines' Carlos Edriel Yulo (gold) poses during the podium ceremony for the artistic gymnastics men's vault event of the Paris 2024 Olympic Games at the Bercy Arena in Paris, on August 4, 2024.
AFP/Paul Ellis

Kaloob ng manila LGU

MANILA, Philippines — Makakatanggap ang gymnast na si Carlos Edriel Yulo ng P2 milyon, habang P500,000 naman ang ipagkakaloob kay pole vaulter Ernest John ‘EJ’ Obiena ng Manila City Government bilang gantimpala sa ipinagkita nilang galing sa kanilang paglahok sa 2024 Paris Olympics.

Ayon kay Manila Ma­yor Honey Lacuna, bukod sa naturang gantimpala, inihahanda na rin nila ang ‘grand heroes’ parade’ para kina Yulo at Obiena, na kapwa Manilenyo.

Nabatid na si Yulo ay makakatanggap ng kabuuang P2 milyon mula sa lokal na pamahalaan, o tig-P1 milyon para sa bawat gintong medalya na kanyang napanalunan.

“This is our way of honoring his talent, dedication, and outstanding contribution to Philippine sports,” ani Lacuna. “Deserve yan ni Caloy, na isang proud Manileño, nag-aral sa Aurora A. Que­zon Elementary School sa Malate, ilang beses naging pambato ng Maynila sa Palarong Pambansa, at nag-kolehiyo sa Adamson University dito sa Maynila.”

Dagdag pa ng alkalde, nakaukit na si Yulo sa kasaysayan sa pagka­panalo ng dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics.

Samantala, bilang pagkilala naman aniya sa pagsusumikap, pasasalamat sa tiyaga at natatanging performance ni Obiena ay pagkakalooban din siya ng pamahalaang lungsod ng Maynila ng P500,000 na premyo.

“Heto naman pong si EJ Obiena, despite narrowly missing a podium finish, has shown extraordinary talent and sportsmanship, achie­ving a commendable 4th place in the pole vault finals at the 2024 Paris Olympics,” pahayag pa ni Lacuna. “Si EJ Obiena po ay mula sa Tondo, Maynila. Nag-high-school sa Chiang Kai Shek College, at naging pambato ng UST-Manila sa UAAP.”

Nabatid na iaanunsiyo ng lokal na pamahalaan sa mga susunod na araw ang mga detalye para sa grand heroes’ parade para sa mga naturang atleta.

LGU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->