Sec. Angara binisita mga iskul sa Muntinlupa

In this May 25, 2024 Facebook post shows Sen. Sonny Angara.
Facebook / Sonny Angara

MANILA, Philippines — Binisita kahapon ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara ang isang paaralan sa Muntinlupa upang obserbahan ang pagbubukas ng mga klase.

Sinamahan nina Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon at Representative Jaime Fresnedi  si Angara sa pagtungo sa Muntinlupa National High School Main sa NBP Reservation, Barangay Poblacion.

Ayon kay Biazon, lahat ng pampublikong paaralan sa Muntinlupa mula Kindergarten hanggang Senior High School ay nagbukas sa itinakda ng DepEd na Hulyo 29 .

Sinabi ni Dr. Violeta Gonzales, pinuno ng Schools Division Office (SDO)-Muntinlupa City, na itinuloy ang pagbubukas ng mga klase dahil hindi apektado ang mga paaralan sa lungsod ng pananalasa ng Habagat (southwest monsoon) at Bagyong Carina.

Maraming pampublikong paaralan sa mga lugar sa bansa na ­inabot ng malakas na ulan at baha ang naantala sa pagbubukas ng klase.

Ikinatuwa naman ni Angara na maayos ang takbo ng simula ng klase sa nasabing lungsod.

Naroon din  sina DepEd Undersecretary Revsee Escubedo, Deped RD-NCR Joyce Andaya at MNHS principal Dr. Florante Marmeto.

Show comments