Obrero nag-dive sa ilog, lunod

Alas-8:40 na ng gabi nitong Huwebes nang matagpuan ang biktimang si Randolf Corpuz Wite, 28, Sitio Veterans Village, Brgy. Bagong Silangan, Que­zon City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Bangkay na nang maiahon ng mga awtoridad ang isang construction worker matapos na malunod nang mag-dive sa ilog sa kasagsagan ng bagyong Carina sa Lungsod Quezon nitong Miyerkules.

Alas-8:40 na ng gabi nitong Huwebes nang matagpuan ang biktimang si Randolf Corpuz Wite, 28, Sitio Veterans Village, Brgy. Bagong Silangan, Que­zon City.

Unang nakatanggap ng tawag si BPSO Wilson Zubiano, miyem­bro ng Barangay Health Emergency Res­ponse Team (BHERT) na may bangkay na lumutang sa Tumana Dulo Riverbank, Barangay Bagong Silangan, Que­zon City.

Sa pahayag ni Rosanna, asawa ng biktima, lasing na la­sing ang kanyang mister nang biglang tumalon sa Scandinavian Creek kasabay ng malakas na buhos ng ulan at hindi na nakita pa. Huwebes na ito lumutang.

Show comments