Rollback sa petrolyo, ipatutupad ngayon

MANILA, Philippines — Inaasahang ipatutupad na ngayong Martes ang bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ito ay makaraang ianunsyo ng CleanFuel, SeaOil, PetroGazz at Shell na may bawas presyo ang produktong 95 centavos kada ­litro sa diesel at P1.15 kada litro na rollback sa ­presyo ng kerosene habang 60 centavos kada litro ang bawas presyo sa gasolina.

Wala namang abiso ang ibang kompanya ng langis kung mayroon din silang oil price rollback.

Ang nagdaang apat na araw na galaw sa presyuhan ng petrolyo sa merkado ang ugat ng oil price adjustment.

Show comments