Lalaking dayo sa Tondo, tinadtad

MANILA, Philippines — Isang lalaki na sinasabing dayo ang natagpuang patay at tadtad ng saksak sa katawan, sa Tondo, Maynila, Lunes ng umaga.

Ayon sa Manila Police District-Homicide Section, walang nakuhang anumang pagkilanlan sa biktima na inilarawang nasa 35-40 anyos, 5’3-5’5 ang taas, fair complexion, medium built, may tatoo na mukha ng demonyo at Batang City Jail sa likod at nakasuot ng pula na sweatshirt at checkered na shorts.

Sa ulat ni PSMS Jason Ibasco, alas-5:27  ng umaga ng Hulyo 15 nang madiskubre ng isang respondehan ang lugar matapos iulat ng Barangay Ex-O Roberto Garcia na ipinaalam ng isang motorcycle rider ang biktimang duguang nakahandusay sa loob ng Aleson Compound, sa Upper Smokey Mounatain, Road 10, sakop ng Barangay 128, Tondo.

Dinatnan ang bangkay na nakatagilid at mara­ming tama ng saksak ng patalim sa katawan.

Show comments