Maayos, payapang SONA ni Pangulong Marcos, tiniyak ng Quezon City LGU

MANILA, Philippines — Tinitiyak ng Quezon City government na magiging maayos at tahimik ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 22.

Ito’y kasunod ng isinagawang pagpupulong ng QC LGU sa pangunguna ni Rowena Macatao, chief of staff ni City Mayor Joy Belmonte; Department of Public Order and Safety Head Elmo San Diego, at QC Police District deputy district director for operations PCol. Amante Daro.

Ayon sa mga opisyal, nakalatag na ang lahat maging ang kanilang pagkikipag-ugnayan sa PNP at sa mga opisyal ng Batasan Pambasa Complex bago at pagkatapos ng SONA.

Sa panig ng QC Department of Public Order and Safety (DPOS), magpapakalat sila ng traffic enforcer sa Commonwealth, Batasan Complex, bukod sa iba pang lugar para tumulong na magmando sa daloy ng trapiko.

May ikakalat ding mga tauhan mula sa QC Department of Sanitation and Cleanup Works para sa paglilinis ng kalat sa lansangan katuwang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Show comments