Chinese may pekeng tourist visa, hinarang sa NAIA

MANILA, Philippines — Isang Chinese national ang malakas ang loob na nagbigay ng pekeng Philippine tourist visa ang pinigilan ng immigration authorities para makapasok sa bansa gamit ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Kinilala ang Tsino na  si Su Wenpeng na dumating sakay ng eroplanong Cebu Pacific flight mula Hanoi nang harangin siya sa immigration arrival counter matapos ipakita sa immigration officer ang kanyang tourist visa.

Sinabi ni Su na naglalakbay ng mag-isa para magbakasyon sa Bohol nang mapansin ng mga opisyal ng imigrasyon ang mga hindi pagkakapare-pareho sa kanyang 9(a) tourist visa.

Sa pagsusuri ng dokumento ng dayuhan sa ilalim ng forensic documents laboratory ng BI, nakumpirmang peke ang visa na kanyang ipinakita.

Ang pangalan ni Su ay isasama sa mga blacklisted na dayuhan ng BI, upang hindi na makapasok sa bansa.

Show comments