15-anyos, 2 pa arestado sa pagtutulak ng droga

MANILA, Philippines — Arestado ang isang menor-de-edad na “tulak” ng droga at  “high value individual” ng pulisya at dalawang pang kasabwat sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay San Isidro, Parañaque City, nitong Sabado.

Kinilala ng Parañaque City Police Station Drug Enforcement Unit ang mga suspek na sina alyas “John”, 15-anyos; alyas “Mark”, 26, at alyas “Raymond”, 42 .

Dakong alas-4:00 ng madaling araw ng Hulyo 6, nang madakip ang mga suspek sa Brgy. San Isidro, kung saan nasamsam ang nasa 13 plastic sachet ng shabu na may kabuuang 50 gramo na nagkakahalaga ng P340,000.

Inihahanda pa ang isasampang reklamo laban sa mga suspek na iniimbestigahan pa sa himpilan ng pulisya.

Show comments