TNT e-SIM magagamit ng subscribers ng ibang network; number hindi mapapalitan

Ang mga gumagamit ng mobile phone na iba ang network ay maaaring lumipat sa isang TNT e-SIM sa pamamagitan ng free service na tinatawag na Mobile Number Portability
Photo Release

MANILA, Philippines — Binuksan ng value mobile brand na TNT ng Smart ang pinto nito sa mga subscriber ng ibang network. Maaari na silang lumipat sa isang TNT eSIM nang hindi kailangang magpalit ng numero.

Ang mga gumagamit ng mobile phone na iba ang network ay maaaring lumipat sa isang TNT e-SIM sa pamamagitan ng free service na tinatawag na Mobile Number Portability. Sa pamamagitan nito, mananatili pa rin ang kanilang ginagamit na numero kahit lumipat sila ng ibang network.

Dahil patuloy pa rin nilang magagamit ang orihinal na  numero ng kanilang cellphone, makakalipat sila sa isang TNT eSIM nang hindi  na kailangang magpalit ng numero na maraming abala tulad ng pagpapaalam nito sa kanilang mga kontak at mabusising updating sa mga apps at online account na kunektado sa luma nilang numero. 

Paano lumipat sa TNT e-SIM mula sa ibang network?

Para makalipat sa isang TNT e-SIM, ang mga subscriber ng ibang network ay kailangan lang kumuha ng kanilang Unique Subscriber Code sa kanilang current network provider at iprisinta ito kasama ng kanilang current SIM, valid government ID at i-unlocked ang cellphone sa pinakamalapit na Smart Store.

Compatible ang TNT e-SIM sa anumang eSIM-capable device tulad ng pinakabagong flagship handsets ng Apple, Google, Huawei, Samsung, at iba pa.

Ang mga user na nakalipat sa TNT ay makakagamit ng mga value-packed data, call at text offers tulad ng  bagong  TikTok Saya 50 kasama ng Unli TikTok plus 3 GB open access data for apps and sites, at Unli Texts to All Networks na valid nang tatlong araw sa halagang P50 lamang.

“Sa nakakasang kapabalidad na ito, madali na sa mga kustomer ng ibang network na lumipat sa TNT at maranasan ang mas malawak naming coverage,” sabi ni Lloyd R. Manaloto, Head of Prepaid ng Smart.

‘Sa pagpihit sa TNT, madali ring magagamit ng mga subscriber ang mas  abot-kaya ng bulsa na mga data, call, at text offers, at maranasan ang saya na kaakibat ng pagiging ka-tropa sa pamamagitan ng mga fun perks at rewards,” wika naman ni Erika L. Apostol, Head of TNT.

Samantala, sa halagang Php89 lamang,  ang mga existing TNT subscriber na gustong i-‘upgrade’ ang kanilang pisikal na SIM card sa isang TNT e-SIM ay kailangan lang iprisinta ang kanilang physical SIM at anumang valid government ID sa pinakamalapit na Smart store. 

Ang mga nagnanais namang makabili ng TNT e-SIM na may bagong number ay makakaorder nito  sa pamamagitan ng Smart Online Store sa https://store1.smart.com.ph/view/2695/ o sa flagship stores ng Smart sa Lazada o Shopee.

 

Para sa dagdag na impormasyon sa paglipat sa TNT e-SIM, bisitahin ang https://tntph.com/Pages/mnp.

Sa iba pang bagong offer ng TNT,  bumisita sa https://tntph.com/ at sundan ang @tntph sa Facebook, IG, X at TikTok.


Editor’s Note: This press release for TNT is not covered by Philstar.com's editorial guidelines

Show comments