Qualified trafficking in person isasampa vs Alice Guo - DOJ

In this Facebook post on Dec. 22, 2022 shows Mayor Alice Guo of Bamban, Tarlac.
Facebook/Mayor Alice Leal Guo

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na isusulong nila sa korte ang pagsasampa ng kasong qualified trafficking in persons laban sa suspendidong si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at 13 iba pa sa oras na makakita ng probable cause.

Isasagawa ngayong araw Hulyo 5 ang unang preliminary investigation hearing kaugnay sa inihaing reklamo ng Presidential Anti-Orga­nized Crime Commission (PAOCC) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa DOJ noong Hunyo 21, 2024.

Si Guo at iba pang respondents ay sangkot sa pagtatayo at pagpapatakbo ng Baofu compound na dating Hongshen Technology bago naging Zun Yuan Technology, na parehong POGO hubs na sangkot sa forced labor, human trafficking, online fraud at investment scams.

Batay sa mga ulat, nadiskubre ang koneksyon sa pagitan ng Zun Yuan sa Baofu compound na may kinalaman si Guo.

“No one will be spared from this investigation, heads will roll once we find probable cause to do so,” ani Remulla.

Show comments