Mga pasahero, dagsa sa NAIA

Passengers queue to enter the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 in Pasay City on February 24, 2024.
STAR/ Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Nakaranas ang Bureau of Immigration (BI) departure area ng mataas na bulto ng mga pasahero dahil sa maraming papaalis na flight.

Wala pang isang oras, pagsapit ng alas 6:43 ng umaga, katamtaman na ang pila, at pagsapit ng alas-7, ay naayos na.

Ang Hulyo ay itinutu­ring na isang peak season sa internasyonal na paglalakbay dahil sa pahinga sa paaralan ng mga mag-aaral. Pinapayuhan ang lahat na mag-check in nang hindi bababa sa 3 oras bago ang kanilang mga flight upang magbigay ng sapat na oras para sa mga pamamaraan sa pa­liparan. Nagpapasalamat naman ang BI sa mga pasahero sa kanilang pasensya at kooperasyon.

Show comments