MANILA, Philippines — Ipinagdiwang nitong Biyernes ng Lungsod Pasay ang Pride Month sa temang #PasayOverLoved at pagwagayway ng kulay ng bahaghari, na simbolo ng LGBTQIA+ Community.
Pinangunahan ni Pasay Mayor Emi Calixto Rubiano ang okasyon, katuwang ang Pasay City Social Welfare Development Office, JCI Manileña at Konsehal Joey Calixto-Isidro.
Nagmartsa ang mga miyembro ng LGBTQIA+ Community ng lungsod para sa Pride March na nagtapos sa Pasay City Astrodome.
Nagsimula ang programa sa pamamagitan ng HIV Awareness Talk ng City Health Office at nagkaroon ng paligsahan sa Spoken Poetry kasunod ang Awrahan Fashion Show.
Sinampolan naman sila ni Mayor Emi ng poetry sa tinurang:“Pasay ang inyong tahanan, Barbie man ang inyong laruan, Bola kung mapakinggan,Pero ang pagmamahal ng Ina, laging anjan. Ako na inyong Nanay, Karapatan nyo’y sa puso ko ilalagay, kayo ay aalagaan at ituturing kong kayamanan, Lagi at parati, Tapat kayong paglilingkuran.”
Nagtapos ang programa sa isang Variety Show na lalong nagpasaya sa gabi.