Babae tumalon sa riles ng LRT-1, sugatan

Photo shows the LRT-1 Dr. Santos Station
Released / Light Rail Manila Corporation

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang babae nang tumalon sa riles ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) kahapon ng hapon habang may paparating na tren sa southbound lane ng Doroteo Jose Station sa Maynila.

Sa abiso ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), dakong alas-12:41 ng hapon nang maganap ang insidente. Paparating na umano ang isang tren ng LRT-1 sa istasyon nang biglang tumalon ang ‘di pinangalanang babae.

Kaagad naman umanong narespondehan ng LRMC team ang babae, na nasa maayos namang kondisyon sa ngayon at nagtamo lamang ng minor injury.

“Per initial assessment, the passenger was conscious and sustained minor injury, and was immediately brought to the hospital and turned over to the proper authorities,” anang LRMC.

Dahil sa pangyayari, pansamantalang natigil ang operasyon ng LRT-1 dakong alas-12:42 ng hapon at naibalik ito sa normal ng alas-12:59 ng hapon.

Show comments