^

Metro

24 milyong sasakyan ‘di nakarehistro sa LTO

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
24 milyong sasakyan ‘di nakarehistro sa LTO
Motorists continue traversing the EDSA-Kamuning flyover in Quezon City on April 7, 2024.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Nananatiling nasa 24-milyong sasakyan ang hindi pa nakare­histro sa Land Transportation Office (LTO) sa buong bansa.

Bunga nito, pinayuhan ni LTO Vigor Mendoza ang mga may-ari ng mga sasakyan na hindi pa nakarehistro na dalhin sa ahensiya at iparehistro ang sasakyan kung ayaw magbayad ng penalty o ma-impound ang kanilang sasakyan.

Tiniyak naman ni Mendoza na bilang na ang araw ng mga unregistered vehicles dahil sa pinaigting na kampanya laban sa naturang mga sasakyan kaugnay ng NO Registration NO Travel Policy ng ahensiya.

Nitong nagdaang 15 araw lamang ngayong Hunyo, nakahuli ang LTO ng higit  6,000 unregistred vehicles.Sa naturang bilang, 5,127 ay mga motorsiklo , 34 ay pampasaherogn jeep at 7 ay pampasaherong bus.

Bukod sa  mataas na multa, ang mga unre­gistered vehicle na mahuhuli ay i-impound ng LTO.

LTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with