Misis na OFW tiklo ni mister, may 1 pang asawa!

Kapwa nahaharap sa mga kasong paglabag sa Article 333 ng Revised Penal Code (RPC) o “adultery” ang mga suspek na sina alyas “Julie”, 33 anyos, may asawa, isang overseas Filipino worker (OFW), at alyas “Ralph”, 27, construction worker, kapwa residente ng Brgy. Molino 3, Bacoor City.
STAR/ File

‘Namamangka sa dalawang ilog’

MANILA, Philippines — Kapwa humihimas ng rehas ng kulungan ang isang misis at kalaguyo nito makaraang maaktuhan ng mister ng una sa mismong bahay ng suspek kung saan nagsasama ang dalawa bilang mag-asawa, ka­makalawa ng gabi sa Brgy. Molino 3, Bacoor City.

Kapwa nahaharap sa mga kasong paglabag sa Article 333 ng Revised Penal Code (RPC) o “adultery” ang mga suspek na sina alyas “Julie”, 33 anyos, may asawa, isang overseas Filipino worker (OFW), at alyas “Ralph”, 27, construction worker, kapwa residente ng Brgy. Molino 3, Bacoor City.

Sa ulat ng pulisya, unang nag-report sa opisyal ng Brgy. Molino 3 ang mister na si Elpidio Magdalo, 43, ng Brgy. Nbbs Proper, Navotas City dahil sa umano’y ginagawang pagtataksil ng kanyang misis.

Ayon sa mister, umalis umano sa kanilang bahay sa Navotas ang misis na si Julie at nagpaalam na may pupuntahan lamang.

Gayunman, nagduda si Elpidio sa misis kung kaya palihim niyang sinundan ang ginang hanggang sa dito na niya naaktuhan sa bahay ng suspek sa Bacoor City at ipinahuli sa awtoridad.

Nabatid ng mister na nagsasama rin umano ang kanyang misis at si Ralph bilang “mag-asawa” na sa kasabihan ay “namamangka sa da­lawang ilog” ang ginang.

Show comments