MANILA, Philippines — Bunsod ng epektong dulot tuwing umuulan, hiling ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval na makumpuni at maayos na ng MMDA ang nasirang navigational floodgate sa lungsod ng Navotas.
Ginawa ni Sandoval ang pahayag sa pagbisita ni MMDA Acting Chair Romando Artes sa lungsod nitong Biyernes. personal na ipinaabot ni Mayor Jeannie ang concern nito sa naturang floodgate.
Ayon sa alkalde, bagamat nasa Navotas ang lokasyon ng floodgate, direkta namang nagdudulot ito ng baha sa Malabon tuwing malakas ang pag ulan.
Aminado naman si Artes na nasisira ang floodgate dahil sa lagi itong nasasagi ng mga dumaraang barkong pangisda.
Tiniyak naman itong agad tutugunan ang problemang ito sa floodgate.
May plano na rin aniya ang DPWH na ir-ehab o kaya ay tuluyan nang palitan ang floodgate na halos tatlong dekada na rin ang tanda.
Umaasa si Sandoval na makukumpuni ito da lalong madaling panahon.