SUV vs motor: Rider, angkas patay

Kaagad na binawian ng buhay sina Silvestre Leal, driver ng motorsiklo, residente ng Cabulanglangan, Tagudin, Ilocos; at angkas niyang si Hilario Madriaga, dahil sa tinamong matitinding pinsala sa ulo at katawan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang rider at kanyang angkas nang bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang Sport Utility Vehicle (SUV) sa Sta. Cruz, Manila kahapon ng madaling araw.

Kaagad na binawian ng buhay sina Silvestre Leal, driver ng motorsiklo,  residente ng Cabulanglangan, Tagudin, Ilocos; at angkas niyang si Hilario Madriaga, dahil sa tinamong matitinding pinsala sa ulo at katawan.

Samantala, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang driver ng SUV na si Rey De Parcarey, Jr., ng Quiapo, Manila.

Batay sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), dakong alas-2:48 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Southbound lane ng Rizal Avenue, kanto ng Fugoso St., Sta. Cruz.

Lumilitaw sa pagsisiyasat ni PCpl Ignacio, Palo Jr., binabagtas ng magkaangkas na biktima lulan ng motorsiklo ang westbound ng Fugoso St., sa Sta. Cruz, nang pagsapit sa panulukan ng Rizal Avenue ay bigla na lang umano silang binangga ng SUV na minamaneho ni De Parcarey, sa may southward ng Rizal Avenue.

Sa tindi ng impact, kapwa tumilapon ang magkaangkas na biktima na nagresulta sa kanilang agarang kamatayan.

Show comments