^

Metro

HPG iniimbestigahan pag escort sa media influencer

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Para makaiwas sa trapik

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na ng Highway Patrol Group ang insidente ng pag-escort  ng  kanilang   motorcycle cop sa isang  social media influencer upang makaiwas sa trapik.

Ayon sa pahayag ng HPG, hindi nila kinukunsinti ang pagkuha o pag “arkila” sa kanilang mga tauhan para maging escort ng  media influencer. Labag umano ito  sa kanilang  protocol at regulasyon.

Aalamin nila kung sino ang escort ng content creator at sino ang koneksiyon nito sa HPG.

Nabatid na nagawa  pang i-post ng content creator sa kanyang  Instagram Story ang  ‘special treatment’ kung saan nagpahayag pa ito ng pasasalamat sa kanyang asawa na umano’y kumontak sa HPG.

Ilang netizen  ang  mabilis na na-grab ang  larawan na may caption na: “How can I settle for less when my husband hired an HPG escort para lang hindi ako ma-traffic sa pupuntahan ko? (plus, I have my own driver and car),”.

Sa ngayon ay tinanggal na ng  content creator ang  kanyang post.

“We will file the ne­cessary cybercrime-related offenses [against] those individuals who will post any malicious statement that will malign/tarnish the image of the HPG and the possible criminal and administrative charges for our personnel”, sa pahayag ng  HPG.

Matatandaang nagbabala na si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil laban sa mga nagsisilbing escort ng ilang sibilyan upang makaiwas sa matinding trapik.

Kasunod ito ng  pagkakaaresto ng HPG  na nag escort sa isang luxury vehicle sa Parañaque.

HIGHWAY PATROL GROUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with