2 MMDA escorts ng gov't official tiklo sa paggamit ng 'police markings'
MANILA, Philippines — Nasakote ng pulisya ang dalawang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) escorts ng isang "mataas na opisiyal ng gobyerno" matapos gumamit diumano ng police markings sa motorsiklo.
Ayon sa dzBB, nahuli ang dalawa habang naglulunsad ng "Oplan Wastong Hagad" ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa Diokno Avenue sa Parañaque City nitong Miyerkules.
"We are coordinating with PNP-HPG and waiting for the official report," ani MMDA acting chairperson Don Artes sa media ngayong Huwebes nang umaga.
"We will investigate the matter and act accordingly."
Nireregula ng Executive Order 297, series of 2000 ang pagmamanupaktura, pagbebenta, at distribution at paggamit ng PNP uniforms, insignias atbp. accoutrements.
Ang naturang EO ay pagpapalakas ng Article 179 ng Revised Penal Code, bagay na nagbabawal sa iligal at maling paggamit ng mga insignia, uniforms o damit na tumutukoy sa tanggapang hindi kinabibilangan ng gumagamit.
- Latest