Suplay ng tubig sa Rizal at Pasig, madaragdagan

Ang proyekto na kapapalooban ng 800-mm steel pipe bridge system spanning 26 linear meters sa kahabaan ng Manila East Service Road, ang magiging daan upang mapabuti pa ang suplay ng tubig sa higit 20,000 households sa Angono, Binangonan, Cainta, Taytay sa lalawigan ng Rizal at ilang lugar sa Pasig City oras na maging operational ang proyekto.
Philstar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Inaasahang bubuti na ang suplay ng tubig sa mga lugar sa Rizal at Pasig City dahil sa matatapos na ang naitayong P45-million Darangan Pipe Bridge project sa Binangonan, Rizal ngayong Mayo.

Ang proyekto na kapapalooban ng 800-mm steel pipe bridge system spanning 26 linear meters sa kahabaan ng Manila East Service Road, ang magiging daan upang mapabuti pa ang suplay ng tubig sa higit 20,000 households sa Angono, Binangonan, Cainta, Taytay sa lalawigan ng Rizal at ilang lugar sa Pasig City oras na maging operational ang proyekto.

Ang naturang pipe laying project ay sinimulan noong Nobyembre 2023 na dinesenyo para palakasin ang kasalukuyang supply connections na magbebenepisyo rito ang mga residential, commercial, at industrial customers sa naturang mga lugar.

“Service improvement and expansion projects, such as the Darangan Pipe Bridge, support the company’s efforts to provide better service to customers outside the central distribution area,” sabi ni  Manila Water’s Corporate Communications Affairs Group Director Jeric Sevilla.

Sa kasalukuyan, ang East Zone concessionaire ay may minamantine na 5,400 kilometers water network na nagseserbisyo sa higit 7.6 milyong customers sa East Zone ng Metro Manila at Rizal.

Show comments