Housewife nag-sideline sa pagbebenta ng droga, timbog

Ang suspek ay kinilala lang ni Pasig City Police chief PCol. Celerino Sacro Jr. sa alyas na “Cel”, 30 anyos, residente ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City at itinuturing na No. 5 Priority Target ng Eastern Police District (EPD).
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Swak sa bilangguan ang isang housewife, na umano’y nagsa-sideline sa pagbebenta ng ilegal na droga, matapos na maaresto sa isang buy-bust operation sa Pasig City kahapon.

Ang suspek ay kinilala lang ni Pasig City Police chief PCol. Celerino Sacro Jr. sa alyas na “Cel”, 30 anyos, residente ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City at itinuturing na No. 5 Priority Target ng Eastern Police District (EPD).

Batay sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang maaresto sa Villa Monique, Brgy. Pinagbuhatan ang ginang matapos na kumagat sa buy-bust operation ng pulisya.

Nakumpiska mula sa suspek ang ‘di pa batid na halaga ng shabu at buy-bust money.

Show comments