PCG: Barko ng China na namataan malapit sa Catanduanes, nakaalis na

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Philippine Coast Guard (PCG) na umalis na ang isang Chinese research vessel na nahuling nagbababa ng mga kagamitan malapit sa Catan­duanes noong Abril.

“As of this time, in coordination with the Armed Forces of the Phi­lippines, wala na tayong nakitang research vessel or namataan dito sa area ng Catanduanes, or even in Northern Samar,” ayon kay West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, sa isang press briefing.

Ani Tarriela, ang barkong Shen Kuo ay huling naispatan noong Mayo 1.

Ito ay isang araw matapos itong mamataan na nagbababa ng gamit sa lugar.

Hindi pa naman umano matukoy kung ano ang mga naturang kagamitan.

Hindi pa rin alam kung bakit pumasok ang naturang research vessel sa exclusive economic zone ng Pilipinas.

Hinala naman nila na maaaring nagsasagawa ito ng hydrogra­phic survey.

Show comments