^

Metro

Security officer huli sa P6.8 milyong shabu sa Caloocan

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kamay ng mga elemento ng PNP Drug Enforcement group ang isang 35-anyos na security officer sa isang drug bust ­operation sa Barangay 81, Caloocan City nitong Biyernes ng gabi.

Ayon kay Police Lt. Homer Guiamalon, team leader ng PDEG Special Operations Unit, nakuha mula sa suspek na hindi pinangalanan, ang halos isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng  P6.8 milyon at buy-bust money.

Sinasabing nagkunwaring buyer ng shabu ang mga pulis. Nagkaroonn ng abutan ng shabu sa loob ng sasakyan at doon na nasukol ng mga pulis ang suspek.

Ani Guiamalon, halos isang buwan na nilang minanmanan ang suspek na maituturing na high-value target na nagbabagsak ng ilegal na droga sa ibang lugar sa Metro Manila.

“Sa namonitor po namin, mula dito sa Caloocan and then umaabot po sa Ma­labon dahil taga-Ma­labon itong tao,” sabi ni Guiamalon.

Ang suspek ay nakakulong na sa Caloocan Police detention cell at nahaharap sa kasong  paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with