^

Metro

Cedric Lee sumuko na sa NBI

Joy Cantos, Ludy Bermudo, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Cedric Lee sumuko na sa NBI
Cedric Lee.
STAR / File

MANILA, Philippines — Boluntaryong sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Huwebes ng gabi ang negosyanteng si Cedric Lee matapos maha­tulang “guilty” at patawan ng “reclusion perpetua” ng Taguig court kaugnay ng kasong “serious illegal detention for ransom” na isinampa ng Showtime TV host at comedian na si Vhong Navarro.

Si Lee ay dinala ng NBI agents sa Mandaluyong City dakong alas-7:30 ng gabi pero inilipat din sa tanggapan ng nasabing ahensiya sa Quezon City bandang alas-8 ng gabi kung saan isinailalim sa kustodya at kinunan ng mugshot at fingerprints.

Sa television interview, sinabi ni Lee na nagdesisyon siyang sumuko sa NBI habang inihahanda ng kaniyang mga abogado ang kaniyang mosyon para iapela ang hatol sa Court of Appeals. Aniya, mas mabuting makulong kaysa magtago sa batas dahil dito’y makakausap niya ang kaniyang mga mahal sa buhay at ma­ging ang kanilang mga abogado.

Sinabi ni Lee na naniniwala siyang lalabas din ang katotohanan habang sumasailalim siya sa proseso.

Ayon kay NBI Director Atty. Medardo de Lemos, nagpaabot ng surrender feeler si Lee at susuko sa isang lugar sa Mandaluyong kaya agad siyang pinuntahan ng mga NBI agents saka ikinustodya.

Kahapon, nagpalabas na rin ng commitment order ang korte para mailipat ng piitan si Lee mula sa NBI jail facility patungong New Bilibid Prison (NBP).

Kinumpirma naman ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na nasa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City na ang modelong si Deniece Milinette Cornejo, na kasama ni Lee na nahatulan habang ang kapwa convicted na si Simeon Raz ay nasa Reception and Diagnostic Center na rin ng NBP.

Sa gagawing pagturn-over ng NBI kay Lee sa NBP, inaasahan na magkakasama na sila ni Raz sa Bilibid, para sa proseso ng mga bagong pasok na person deprived of liberty (PDL).

Sinabi ni Catapang na hindi pa natatanggap ng bureau kahapon ang commitment order para kay Lee, na nasa kustodya ng NBI.

Inatasan si NBP Supt., C/CInsp Roger Boncales kung saan dapat i-commit si Raz dahil hindi na tumatanggap ng bagong PDL sa NBP kaugnay sa patuloy na ginagawang decongestion program, ani Catapang.

Nitong Huwebes hinatulan ng Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 153 ng reclusion perpetua si Lee kasama sina Cornejo, Raz at Ferdinand Guerrero ng “guilty” kaugnay sa isinampang serious illegal detention for ransom ni Navarro noong 2014.

Ang reclusion perpetua ay iba sa “life imprisonment”. Katumbas ito ng 20-taon at isang araw na pagkakakulong hanggang maximum na 40-taon.

Matapos na basahan ng hatol, agad binitbit ng awtoridad sina Cornejo at Raz na dumalo sa promulgation habang naglabas ng warrant of arrest si Judge Mariam Biem laban kina Lee at Guerrero.

Pinaghahanap pa ng PNP si Guerrero na nananatiling nakalalaya.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with