^

Metro

Mga raliyista at pulis naggirian: 6 arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mga raliyista at pulis naggirian: 6 arestado
Ang isa sa anim na aktibista habang inaaresto matapos na makipaggirian sa mga pulis-Maynila habang nagsasagawa ng kilos-protesta sa Kalaw St. patungong US Embassy sa Ermita, Manila sa paggunita ng Labor Day kahapon.
Kuha ni John Ryan Baldemor

Sa Labor Day protests sa Maynila

MANILA, Philippines — Anim katao ang ina­resto ng mga awtoridad nang magkagirian ang grupo ng mga raliyista at mga pulis sa Maynila, na sinalubong ng kaliwa’t kanang kilos-protesta ng iba’t ibang grupo, nitong Labor Day.

Nabatid na kabilang sa mga inaresto ay limang lalaki at isang babae na isinailalim muna sa medical examination bago tuluyang binitbit sa Manila Police District (MPD) headquarters upang isailalim sa imbestigasyon.

Pasado alas-12:00 ng tanghali nang makalusot sa mga pulis ang daan-daang militante matapos na sirain ang barikada at tangkaing makalapit sa US Embassy sa Roxas Boulevard sa Ermita, Manila, bitbit ang isang malaking effigy ni Pang. Marcos Jr. Hinadlangan naman sila ng mga pulis, na nauwi sa tensiyon, girian, tulakan at pag-aresto.

Malaunan ay naitaboy ng mga pulis ang mga raliyista sa Museleo Pambata kung saan sila nagdaos ng programa na nagdulot ng pagtigil ng daloy ng trapiko sa Roxas Boulevard.

Samantala, libu-libong miyembro ng iba’t ibang labor at transport groups ang nagdaos ng kilos-protesta sa iba’t ibang panig ng Maynila. Kabilang sa kanilang panawagan ay itigil ang implementasyon ng Public Uti­lity Vehicle Modernization Program (PUVMP) at ang wage hike o taas-sahod sa mga manggagawa.

Bukod sa US Embassy, dumagsa ang mga raliyista sa harapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Intramuros; Quirino Grandstand sa Ermita; España Boulevard sa Sampaloc; Plaza Rajah Sulayman, sa Roxas Blvd.; Claro M. Recto Avenue sa Sta. Cruz; at Plaza Salamanca sa Ermita.

Sa pagtaya ng MPD, naging mapayapa at maayos naman sa pangkalahatan ang mga Labor Day protests.

vuukle comment

LABOR DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with